top of page

PAGDIRIWANG PARA SA ATING PAMBANSANG WIKA

Updated: Mar 19, 2019

Marjorie Babe M. Funilas | News Writer | Ika-29 ng SEPTYEMBRE, 2018


Kasabay ng pagdating ng Agosto ay ang paghahanda para sa Buwan ng Wika. Taon-taon, ang selebrasyon na ito iginugunita upang paalalahanan ang mga Pilipino sa kalahagahan ng wika natin – Filipino. Sa taong ito ay nabigyang tema na “Filipino: Buwan ng Saliksik".


Bilang pagdiriwang, ang Agosto ay buwan ng mga gawain na inihanda ng mga guro upang mas lalo pang palalimin ang ating kaalaman sa wikang Filipino. Nariyan ang paggawa ng slogan o kaya naman ng poster at ang pagsusulat ng salaysay tungkol sa nasabing tema.


Bukod pa rito, ipinamalas ng mga estudyante mula sa ika – 11 at ika – 12 baitang ang iba't ibang tinatangkilik na pagkain mula sa mga piling lugar sa Pilipinas. Ibinida ng ika – 11 baitang ang mga kakanin at pinagmamalaking strawberries mula sa Cordillera Autonomous Region o CAR. Makikita din ang mga pagkain mula sa Region IV-A, CALABARZON, tulad ng pilipit at kapeng barako, bulalo at lomi. Ang panghuling handa ng ika – 11 baitang ay mga ulam tulad ng pakbet mula sa Central Visayas.


Hindi naman nagpahuli ang ika – 12 baitang sa pagpapakita ng hinandang pagkain. Handog nila ay mga pagkain galing sa iba’t-ibang rehiyon. Nakahain ang mga pagkaing mula sa region 1 tulad ng pinaakbet. Mula naman sa region 6 ay ang mga handang pancit molo, calamares at kinilaw. Mula rin sa ika-12 na baitang ang pagkain naa kadalasang nakikita sa Central Luzon tulad na lamang ng sisig at laing. Hatid rin nila ang bicol express, ginataang puso at ginataang kalabas na sumasalamin sa mga pinagmamalaki ng region 5.


Sa mga handang ito ay naipakita ang mayamang kultura ng Pilipinas na siyang patuloy na bumibighani sa mga dayuhan.


Samantala, naging abala naman ang mga bata mula sa NKP Department sa paggawa ng sari-sariling “collage” ng watawat ng Pilipinas kasama ang kanilang mga guro.

Kasabay nito, dumalo ang mga estudyante sa intermediate department sa hinandang espesyal na selebrasyon ng buwan ng wika na ginanap sa QNL. Kasama nila ay ang mga ilang piling mag-aaral mula sa Junior at Senior High School sa pagtanghal ng iba't ibang presentasyon ng talento at kultura ng mga Pilipino.


Bago matapos ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay binigyan ng patimpalak ang mahuhusay na manunulat para sa kanilang salaysay tungkol sa “Filipino: Buwan ng Saliksik". Inilahad ng ating punong guro na si Ginoong Jason A. Iyas, at ng Department Head ng Senior Highschool na si Ginoong Jojo L. Calague ang mga sertipiko at medalya sa mag-aaral.


Nabigyan sina Lara Feliciano, Germaine Rentoria at Marjorie Funilas, mula sa ika – 11 baitang, ng karangalan para sa mga naisulat na salaysay. Sa ika – 12 baitang binigyan ng karangalangan sina Franz Camat, Renz Chuateco, at si Elisea Serrature sa kanilang mga sanaysay. Binigyan ng gantimpala para sa mahusay na paggawa sa kani-kanilang slogan at poster sina Juliana Tabuzo, Metched Cutad at Germaine Rentoria ng ika - 11 baitang. Mula naman sa ika – 12 baitang ay binigyan parangal sina Keanne Lim, Nathaniezl Almario at Kyla Zaragoza para sa kanilang nagawang poster-slogan.


Dito nagtapos ang selebrasyon ng Buwan ng Wika para sa taong 2018 – 2019. Mula sa mga gawa ng estudyante ay nakita na tunay ngang Filipino ang wika ng saliksik.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page