top of page

ANG MGA OPISYAL NA KALAHOK NG OKOR 2018

Updated: Mar 19, 2019

Nicole Claire G. Blancia | Filipino Editor | Ika – 20 ng OKTOBRE




Sa kabilang banda, nailabas na ang mga resulta para sa mga napiling mga kalahok ng anwal na kompetisyong OKOR, (Order of Knights of Rizal) na siyang bukas para sa mga Philippine Schools na matatagpuan sa rehiyon ng Middle East at Africa.


Ang mga sumusunod ay ang mga piniling mag - aaral upang makipagsapalaran at mag represinta sa PISQ:


Si Ginoong Metched B. Cutad ang hinatulan upang gumanap bilang Young Jose Rizal, at si Binibining Samantha Isabel N. Facun naman ang magrerepresinta bilang Young Maria Clara.


Gamit ang kanyang mahuhusay na salita, si Julianne Carmel I. Caday ang magbibida ng kanyang galing sa On – The – Spot Writing Contest na siyang isusulat sa wikang Filipino. Habang si Johanna Mae C. Maggay naman ang magbibida ng kanyang mga salita sa On – The – Spot Writing Contest na kanyang isusulat sa wikang Ingles.


Ang mga PISQian ay hindi nagpapatalo pagdating sa sining kaya naman sina Christina Faith R. Joaquin at Elijah Mariel D. Tatlonghari ang mga napiling kalahok upang ihandog ang kanilang mga talento sa nararating na On – The – Spot Painting Contest.


Pagdating sa talino at bilis ng utak ay hindi mapagkakaila na tayo ay nangunguna, sina James Fredrich O. Miña at si Earl Louis B. Quilling ang siyang magpapatunay na ang mga PISQian ay tunay ngang mahusay pagdating sa kompetisyong Battle of The Brains.


Sa nalalapit na kompetisyon ay patuloy na naghahanda ang ating mga kalahok upang kanilang mailabas at maipakita ang galing at husay ng mga PISQians, hindi lamang sa talinkundi pati rin sa sining ay tayo ang magtatagumpay.

Viva PISQians!

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page